NOLCOM fun run

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ang mga miyembro ng running clubs, sports buff at mga kabataan na lumahok sa gaganaping lst NOLCOM (Northern Luzon Command) Fun Run sa Enero 19 sa NOLCOM ground sa Camp Aquino, San Miguel, Tarlac City.

Ayon sa organizers, tampok ang mga events na 3K, 5K at 7K sa fund-raising event na layuning makalikom ng pondo para suportahan ang mga programa para sa mga pasyente ng Camp Aquino Hospital sa naturang lalawigan.

Bukod dito, may Zumba exercise para sa mga kalahok, gayundin ang side event na drums and bugle competitions.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kina Second Lieutenant Estrada (0922-8028481) at Second Lieutenant Correa (0917-6973541).

 

Show comments