Bates uuwi na sa Amerika

MANILA, Philippines - Sa wakas ay uuwi na rin sa Amerika si PBA Hall of Famer at dating import na si Billy Ray Bates matapos mag-over staying sa bansa.

Wala nang pera si Bates ngunit nais niyang bumalik sa Amerika para magpa-opera. Ang PBA na nag-imbita sa kanya dito sa bansa para tanggapin ang Hall of Fame award  ang siya ring sumagot ng kanyang pamasahe pauwi.

Apat na araw lang dapat dito sa bansa si Bates ngunit nagdesisyon itong manatili muna sa bansa para maghanap ng trabaho na nakita niya sa ABL team Philippine Patriots. Tumanggap din siya ng  P1 Million mula sa Grosby Shoes para sa relaunch ng Black Superman model. 

Pinakawalan siya ng Patriots bilang disciplinary action at winaldas niya ang kanyang pera at nagkaroon pa ng insidenteng hinuli siya ng pulis sa Cubao dahil sa pamamato ng isang kotse.

Show comments