7’3 ang paparating na import ng Painters

MANILA, Philippines - Sinigurado na ng Rain or Shine ang kalagayan nito para sa susunod na Commissioner’s Cup kung saan may tig-isang import na may unlimited height ang bawat koponan.

 Ito’y sa pamamagitan ng pag-recruit ng isang import na hindi lamang NBA veteran kundi magiging pinakamatangkad na import pa sa buong kasaysayan ng PBA.

Kapag nagwagi pa kontra sa Tropang Texters, malamang magiging susi pa para sa Elasto Painters sa kanilang magiging ambisyong Grand Slam si 7-foot-3 Croatian na si Bruno Sundov.

Bandang hatinggabi ng Linggo o madaling araw ng Lunes inaasahang dumating si Sundov na magdiriwang ng kanyang ika-33 sa Feb. 8.

Show comments