MANILA, Philippines - Si Calvin Abueva ng Alaska na ba ang magiging kauna-unahang roo-kie sa loob ng 13 taon na mananalo ng Best Player of the Conference sa kanyang unang torneo lamang sa PBA?
Sa pagtatapos ng semifinals ng 2012-13 PBA Philippine Cup noong Biyernes ay nakakapit pa rin sa pangalawang puwesto sa statistical points (SPs) standings si Abueva sa kanyang 31.0 average SPs sa 18 laro sa natapos na kampanya ng Aces sa nasabing conference.
Bagama’t natalo ang Alaska sa two-time defending champion Talk ‘N Text 4-2 sa kanilang best-of-seven semifinals, si Abueva ang lumalabas na llamado sa labanan para sa conference MVP dahil sa kanyang pa-ngunguna sa SPs standings sa mga top players na nadala ang kani-kanilang mga koponan sa Final 4.
Nasa No. 1 pa rin sa SPs standings si Arwind Santos ng Petron Blaze sa kanyang 35.1 average at nasa pangatlo pa rin overall si Sol Mercado ng Meralco, ang scoring (19.1 ppg) at assists (6.7 apg) leader ng confe-rence, sa kanyang 30.3 SPs ave-rage pero dahil hanggang quarterfinals lamang nila nadala ang kani-kanilang mga koponan sa playoffs ay lumiit ang kanilang tsansa sa nasabing award.
Ang malamang na makakalaban ni Abueva para sa nasabing award ay sina Jayson Castro at Ranidel de Ocampo ng Talk ‘N Text na nasa pang-apat at pang-limang puwesto sa SPs standings sa kanilang 29.6 at 27.8 average SPs, ayon sa pagkakasunod.
Makakatulong kina Castro at De Ocampo ang pagtuntong ng Tropang Texters sa pangatlong sunod na finals appearance sa Philippine Cup bagama’t hindi ito garantisado.
Makakalaban ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine sa best-of-seven finals na magsisimula sa Miyerkules.
Ang criteria para sa pagpili ng BPC na ia-award sa Game 4 ng finals ay 40% statistics, 30% media votes, 25% players votes at 5% Commissioner’s Office vote.