Blessing si bless
Sa pagbisita ng aming pamilya sa isang maliit na barrio ng munisipalidad ng Banayoyo sa Ilocos Sur, tumibay sa aking isipan na ang sports ay talagang parte ng kulturang Pilipino.
Bumiyahe kami lagpas 10 oras mula Manila bago marating ang Barrio Banbanaal – bulubundukin at loob na parte ng Banayoyo, humigit kulang 50 kilometers sa south ng Vigan.
Pagtatanim ng tabako at mais ang pangunahing kabuhayan sa lugar na pansin ang kaliitan ng populasyon.
Ngunit hindi hadlang ang maliit na pamayanan upang hindi maging aktibo sa larangan ng palakasan.
Parte ng kanilang holiday celebrations ang inter-sitio volleyball competition na nilahukan ng aming host na si Bless Garnace.
Si Bless ay tunay na blessing sa kaniyang pamilya at naging blessing na rin sa aming pamilya dahil nakatakda na siyang makaisang dibdib ang aking brother-in-law na si Reinier Prudente.
Sa tulong ng Maykapal, pihong bubuo ng sarili nilang nagmamahalang pamilya ang dalawa – pawang board topnotchers na pareho na ngayong batikang London-based accountants.
Lubhang masaya ang aming two-night stay sa tahanan nila Bless, at maraming salamat sa mainit na pagtanggap ng Garnace family sa pangunguna ni tatay Baldomero at nanay Priscilla.
***
Welcome sa marami ang pagkakahirang kay Alfrancis Chua bilang bagong head coach ng Barangay Ginebra Kings.
Ang sapantaha ay mas malayong swak ang character ni Chua kaysa kay Siot Tanquingcen na humawak ng manubela ng Ginebra.
Si Chua ay ang pang-anim na gigiya sa Ginebra pagkatapos ng Jaworski era. Susunod siya kina Rino Salazar, Allan Caidic, Jong Uichico at Tanquingcen.
Hindi nakahugot ng kampeonato sa kanyang paghawak ng koponan ng Tanduay at Sta. Lucia Realty ngunit nakabuo siya ng reputasyon bilang “player coach.”
Sa kanya tumaya ang San Miguel Corp. sa naisin nito na tapusin ang five-year title-drought ng Ginebra.
Of course, may pressure siyang mag-deliver ngunit meron naman siyang materyales para makamit ang mithiin.
Isa ang Ginebra sa mga pre-season favorites sa kasalukuyang bakbakan sa PBA dahil sa mga trade acquisitions at premyadong rookie picks na nakuha ng koponan.
Ang patuloy na underperformance ng koponan ang siguradong nagbunsod na muling ma-demote si Tanquingcen.
- Latest