Jeff Van Gundy interesado sa coaching job sa Brooklyn

NEW YORK -- Interesado si Jeff Van Gundy sa posisyon ng head coach sa Brooklyn Nets ngutnit ayaw naman niyang makipag-usap sa mga team officials habang may kasalukuyan pang interim coach, ayon sa sources ng Yahoo! Sports.

Hindi pa sinisimulan ng Brooklyn ang paglilista ng mga kandidato para sa papalit sa sinibak na coach na si Avery Johnson.

Itinalaga ng Nets si assistant coach P.J. Carlesimo bilang interim head coach habang wala pa silang napipili sa puwesto ni Johnson.

“I would never comment on a job that was filled,” sabi ni Van Gundy sa Yahoo! Sports. “I was an interim coach. I hope P.J. has great success there. He’s someone I respect greatly.”

Wala pang nakakausap si Van Gundy sa koponan.

Si Van Gundy, iginiya ang New York Knicks sa NBA finals noong 1999, ay isang popular na pigura sa New York basketball.

 

Show comments