NEW YORK -- Hinirang na Coach of the Month noong Nobyembre at ngayon ay wala na siyang trabaho sa Bagong Taon.
Bagamat maganda ang kanilang ipinapakita nga-yong season, sinibak pa rin ng Brooklyn si head coach Avery Johnson noong Huwebes matapos matikman ng Nets kanilang pang-10 kabiguan sa huling 13 laro.
“We don’t have the same fire now than we did when we were 11-4,” wika ni general manager Billy King sa isang news conference sa East Rutherford, N.J. “I tried to talk to Avery about it and we just can’t figure it out. The same pattern kept on happening.”
Si assistant P.J. Carlesimo ang magiging head coach ng Nets sa isang interim basis simula sa Biyernes sa kanilang home game laban sa Charlotte.
Sinabi ni King na maaari pang maghanap ang Nets ng iba pang kandidato.
Ayaw naman magkomento ng GM tungkol sa ulat na nilalapitan nila si dating Lakers coach Phil Jackson.
Ayon kay King, ang desisyon na sibakin si Johnson ay ginawa ng team owner matapos ang maikli nilang pag-uusap sa telepono noong umaga.
Malaki ang tiwala ni team owner Mikhail Prokhorov kay Johnson bago magsimula ang season.
“With the direction we were going we felt we had to make a change,” wika ni King.