^

PM Sports

Pinakamahusay na 2YO makikilala na ngayon

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makikilala ngayong ha­pon kung sino ang hihi­ra­ngin bilang pinaka­ma­husay na 2-year old horse sa pagtakbo ng 2012 Philracom Juvenile Championship sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa isang milyang distansya inilagay ang bakbakan at may 11 kabayo ang magsusukatan ng ga­ling para makuha ang ta­gumpay  at ang P1.5 mil­yon na ibibigay.

Ang mga kasali ay ang Sky Dragon (AB Alca­sid Jr.), Grand Strikes Girl (JPA Guce), Apo (JA Guce), Alta’s Fi­nest (RG Fernandez), Be Humble (JB Hernan­dez), Borj­kahlifa (P Dilema) at Cap­tain Ball (JT Zarate), Boss Jaden (JB Bacaycay), Pan­tukan (FM Raquel Jr.), Spinning Ridge (V Di­lema) at Five Star (JB Gu­ce).

Ang mga lalabas na ma­tikas na kabayo ay ang Boss Jaden, Grand Strikes Girl, Pantukan, Spinning Ridge at Five Star upang mapaboran sa tagisan.

Lumalabas na ang Boss Ja­den na sasakyan ni JB Bacaycay ang may pinakamaraming pa­­nalo dahil bukod sa ta­gumpay sa PSCO Maiden Race, kampeon din ang kabayo sa itinaguyod na ka­rera ng Philracom at Klub Don Juan.

Ang Five Star at Spinning Ridge ay nagdomina naman sa pakarera ng MARHO na pinaglaba­nan sa 1,600m distansya, ang haba ng paglalabanan ngayon.

Ang papangalawa ay tatanggap ng P562,500.00 at P312,500.00 at P125,000.00 ang ibubulsa ng papangatlo at papang-apat sa datingan, ayon sa pag­kakasunod.

Premyong P75,000.00 bre­eders’ purse ang ma­pupunta sa nagpalahi sa nanalong kabayo.

ANG FIVE STAR

BACAYCAY

BE HUMBLE

BOSS JA

BOSS JADEN

FIVE STAR

GRAND STRIKES GIRL

GUCE

SHY

SPINNING RIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with