MANILA, Philippines - Nalagay sa unang pagkakataon ang Oklahoma City Thunder sa tuktok ng Yahoo! Sports NBA power rankings.
Umangat ang Thunder matapos ang 103-79 panalo sa San Antonio Spurs na hindi nakaasa kay Manu Ginobili nitong Lunes ng gabi.
Ang Oklahoma ang unang team na umabot sa 20-panalo ngayong season matapos ang 11-sunod na panalo.
1. Oklahoma City Thunder (20-4, dating ranking: second): Bago ang showdown sa Miami sa Pasko, dadaan sa pagsubok ang Thunder na haharap sa back-to-back road games ngayong linggo kontra sa Atlanta at Minnesota.
2. Los Angeles Clippers (18-6, dating ranking: fourth): Nanalo ang Clippers ng 10-sunod. Inaasa-hang madadagdagan ang kanilang panalo sa pagharap sa New Orleans, Sacramento at Phoenix.
3. San Antonio Spurs (19-7, dating ranking: first): Natalo ang Spurs ng tatlo sa kanilang huling apat na games matapos manguna sa rankings noong nakaraang linggo.
4. New York Knicks (18-6, dating ranking: third): Baka makalaro na si forward Amar’e Stoudemire nitong weekend matapos makibahagi sa practice ng Erie ng NBA Development League.
5. Golden State Warriors (16-8, dating ranking: seventh): Maganda ang season na ito para kay Stephen Curry, maganda rin ang inilalaro ni David Lee para sa Warriors.
6. Miami Heat (15-6, previous ranking: sixth): Nag-i-improve na si Dwyane Wade dahil nag-a-ave-rage na ito ng 21.4 points per game nitong December mula sa 17.1 per game noong November.
7. Memphis Grizzlies (16-6, dating ranking: fifth): Nakarekober ang Grizzlies mula sa three-game losing streak makaraang manalo sa huling dalawang laro. Walang bench player ang Memphis na nag-a-average ng mahigit sa pitong puntos.
8. Atlanta Hawks (14-7, dating ranking: eighth): Walang balak si general manager Danny Ferry na i-trade si forward Josh Smith, ayon sa mga source. Si Smith ay nag-a-average ng team-high 16.6 points.
9. Chicago Bulls (13-10, dating ranking: 10th): Bahagya lang ang lamang ng Bulls kontra sa Bucks sa Central Division. Ngayong Linggo ay sila ang host kontra sa Boston at dadayo sa New York at Atlanta.
10. Indiana Pacers (13-11, dating ranking: 19th): Si Paul George ay nag-a-average ngayong buwan ng 20.6 points, 7.1 rebounds, 4.1 assists, 1.5 steals at isang block.