Spurs dinomina ang Celtics
SAN ANTONIO -- Humakot si Tony Parker ng 22 points at 8 assists para tulungan ang San Antonio Spurs sa 103-88 pagdomina sa Boston Celtics.
Nagdagdag si Gary Neal ng 20 points at may 16 si Tiago Splitter para sa Spurs (19-6) na nalusutan ang pagkawala ni Manu Ginobili para sa kanilang 8-2 record sa San Antonio.
Umiskor naman si Danny Green ng 12 markers.
Nilisan ni Ginobili ang laro matapos magbanggaan ang kanilang mga tuhod ni Chris Wilcox sa 2:42 minuto ng first quarter.
Malamya naman ang naging laro ni Spurs star Tim Duncan mula sa kanyang season-low na 5 points buhat sa kanyang 2-for-13 fieldgoals.
Ang layup ni Parker sa 3:35 ang nagbigay sa San Antonio ng 96-82 kalamangan na nagtulak kay Cel-tics coach Doc Rivers para tumawag ng timeout.
Tumipa sina Paul Pierce at Jason Terry ng tig-18 points para sa Boston (12-11) habang may 13 si Ke-vin Garnett at 11 si Courtney Lee.
“(Parker) has been in those situations many times,’’ sabi ni Pierce. “He understands when to take on the trap. He knows when to get rid of the ball. He has a great in-between game. That is what makes him one of the premiere point guards in the league.’’
Naglaglag ang San Antonio ng isang 17-8 run matapos makalapit ang Boston sa 74-79 galing sa isang three-point play ni Lee sa huling 9 minuto na lang sa laro.
- Latest