Toronto forward sinuspinde dahil sa pambabato sa referee

NEW YORK -- Isang one-game suspension bukod pa sa wala siyang tatanggaping suweldo ang ipinataw ng NBA kay Toronto center-forward Amir Johnson.

Ito ay dahil sa pambabato ni Johnson ng kanyang mouthpiece sa isang referee sa kabiguan ng Raptors kontra sa Portland Trail Blazers noong Lunes.

Kapwa kinuha nina Johnson at referee David Jones ang bola matapos ang freethrow ng Portland sa third quarter.

Makaraan siyang mapatalsik sa laro ni Jones, ibi­nato ni Johnson ang kanyang mouthpiece sa direk­syon ng referee.

Kinailangan pang awatin si Johnson ng kanyang mga kakampi palabas ng basketball court.

Hindi makakalaro si Johnson sa laban ng Toronto kon­tra sa Brooklyn.

Show comments