UST, Ateneo Adamson nalo sa UAAP volley

MANILA, Philippines - Inalisan agad ng multi-titled UST ng tikas ang nagdedepensang kampeon na La Salle nang kunin ang 25-18, 25-15, 18-25, 25-27, 15-6 panalo sa 75th UAAP women’s volleyball nitong weekend sa The Arena sa San Juan City.

Sinandalan ng Lady Tigresses ang malakas na laro sa unang dalawang set na kanilang naging puhunan upang kahit naisuko ang sunod na dalawang set ay may kumpiyansa pa ring naglaro sa deciding fifth set na kanilang kumbinsidong naipanalo.

Ginamit naman ng Lady Eagles ang kanilang karanasan para iuwi ang 25-19, 25-22, 6-25, 25-27, 15-9, panalo sa FEU.

Umani rin ang Adamson ng 15-25, 25-21, 25-22, 18-25, 15-10, panalo sa host National U habang winakasan naman ng UP ang 16-game losing streak sa pamamagitan ng 25-18, 25-15, 18-25, 25-27, 15-6, tagumpay sa UE.

Show comments