MANILA, Philippines - Umaasa si Manny Pacquiao na makikipagsabayan sa kanya si Juan Manuel Marquez sa kanilang pang apat na pagkikita sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
“I’m hoping for that. More action in the ring,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng BoxingScene.com. “I will do my best and if I could have a chance to finish it early, why not.”
Handa rin ang 39-anyos na si Marquez na makipagpalitan ng suntok sa 33-anyos na si Pacquiao.
“I will take more risks in this fight because I will be more aggressive. In the last two fights I was very aggressive also. I was aggressive with him but I will be much more aggressive,” ani Marquez. “As long as I am more aggressive, I will take more risks.”
Isang draw ang nailusot ni Marquez sa kanilang unang pagkikita ni Pacquiao noong Mayo ng 2004 kasunod ang split decision win ng Filipino boxing superstar sa kanilang rematch noong Marso ng 2008.
Umiskor ng isang majority decision victory si Pacquiao sa kanilang ikatlong pagkikita ni Marquez noong Nobyembre ng 2011.
Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.
Sa naturang tatlong laban, mariing inireklamo ni Marquez ang resulta ng kanilang banggaan ni Pacquiao.
“You know, if you compare my fight with Marquez to the Bradley fight, I think the Bradley fight is a worse decision,” wika ni Pacquiao.