Irving tengga uli ng 1-buwan matapos mabalian ng daliri
CLEVELAND – Nang buksan ng Cavaliers ang kanilang training camp, sinabi ni star point guard Kyrie Irving na hindi siya nag-aalala na siya ay malapit sa injury.
Ngayon, mayroon siyang injury at hindi makaka-laro ng hindi bababa sa isang buwan dahil sa nabaling hintuturo na unang na-diagnose ng Cavs na gasgas lamang bago nakita ang fracture sa mga isinagawang test.
Nagka-injury ang reigning rookie of the year sa third quarter noong Sabado kontra sa Dallas.
Negatibo ang X-rays at bumalik pa sa laro matapos balutin ang kanyang daliri.
Lumaro pa siya noong Linggo sa Philadelphia, ngunit umiskor ito ng season-low na 9 points mula sa 4-of-14 shooting sa paglasap ng Cleveland ng ika-anim na sunod na talo.
Nitong Lunes ay nagpa-MRI siya at nakita ang gabuhok na non-displaced fracture na ayon sa Cavs ay lalagyan ito ng tape at splint at ire-reevaluate matapos ang dalawang linggo.
Noong summer, nagkai-njury din sa kamay ang 20-gulang na si Irving matapos hampasin ang may kutson na dingding sa isang practice sa Las Vegas. Noong nakaraang season, 15-games na di nakalaro si Irving dahil sa bukol at injury sa balikat.
- Latest