^

PM Sports

Road Warriors malinis pa rin

AT - Pang-masa

CEBU, Philippines - Nasilayan ang husay sa free throw line ng NLEX Road Warriors para katampukan ang 88-81 panalo sa Informatics sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa San Juan Gym.

Nakitang naglaho ang double-digit lead tungo sa apat na puntos, 83-79 mula sa tres ni Brian Cruz, sina Jake Pascual at Kevin Alas ay nagsanib sa four-of-four shooting sa 15-foot line para pakawalan ng Road Warriors ang 5-0 bomba at ilayo sa siyam ang koponan may 1:12 sa orasan.

Si Ian Sangalang ay mayroong 16 puntos at 8 rebounds, habang sina Alas, Ryan Garcia, Long at Chris Sumalinog ay may 15, 13, 12, at 10 para ibigay sa NLEX ang ikaapat na sunod na panalo at 21 sa kabuuan.

Nalaglag ang Icons sa 0-3 baraha at nasayang ang 21 puntos ni Moncrief Rogado.

Nasungkit naman ng mas beteranong Blackwater Sports ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro sa pamamagitan ng 69-64 panalo sa baguhang Fruitas sa unang laro.

Sinandalan ng tropa ni coach Leo Isaac ang mahalagang tres ni Gio Ciriacruz na bumasag sa 60-all para tuluyang hawakan ng Blackwater ang kalamangan upang makasalo sa pahingang Café France.

May pagkakataon pa ang bataan ni coach Nash Racela na itabla ang laro dahil angat lamang ang kalaban sa 67-64 pero tangan nila ang bola sa huling 16 segundo.

Pero sablay ang dalawang pinakawalang tres ni Mike Silungan habang si Jeric Fortuna ay umiskor ng dalawang free throws para sa final score.

Sina Kevin Ferrer at Fortuna ay mayroong 18 at 10 puntos para sa nanalong koponan.

 

vuukle comment

BLACKWATER SPORTS

BRIAN CRUZ

CHRIS SUMALINOG

D-LEAGUE ASPIRANTS

GIO CIRIACRUZ

JAKE PASCUAL

JERIC FORTUNA

KEVIN ALAS

LEO ISAAC

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with