Pacquiao tatayong boxing commentator: Viloria asam ang korona ni Marquez

MANILA, Philippines - May 17 panalo si Filipino world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria laban sa mga Me­xican boxers.

Kabilang dito sina dating world champions Ulises So­lis, Pingo Miranda, Omar Niño Romero, Giovanni Se­gura.

Ngayon ay tatangkain ng 31-anyos na si Viloria na makuha ang kanyang pang-18 panalo laban sa mga mexicans sa pagsagupa sa 24-anyos na si flyweight titlist Hernan ‘Tyson’ Marquez.

“I’m going to show him, I will box with class, intelligence, win the fight one round at a time, I will have another victory over another Mexican and will do my Hawaiian dance as I always do every time I win,’’ ani Vi­loria sa kanilang upakan ni Marquez sa LA Sports Arena sa Los Angeles, California.

Ilang Pinoy boxers naman ang nakalaban ni Marquez, kabilang dito sina unified world super bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. na tumalo sa kanya at si Richie Mepranum na kanyang bi­nigo.

“I recognize Viloria’s quality as a fighter, he is a great champion, it won’t be an easy fight, but I will win,” sabi ni Marquez.

Itataya ni Viloria ang kanyang bitbit na WBO flyweight crown, ha­bang isusugal ni Marquez ang kanyang suot na WBA flyweight belt.

Dala ni Viloria ang kanyang 31-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 knockouts, samantalang ha­wak ni Marquez ang kanyang 34-2-0 (26 KOs) card.

Si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao ang uupo sa ringside at magsisilbing com­men­tator para sa GMA Channel 7 at sa Mexican broad­­cast station na Azteca 7.

Show comments