^

PM Sports

2012 POc-PSC Batang Pinoy mindanao Leg: 7 golds nilangoy ng Davao tankers

Pang-masa

DAPITAN CITY, Philippines – Lumangoy ng pitong gintong medalya ang Davao City sa swimming event, samantalang anim ang hinakot ng Zamboanga City sa Phi-lippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Mindanao leg.

Ang 11-anyos na swimmer na si Haruka Jade Shimizu ng Davao City ang hinirang na kauna-unahang double-gold me-dalist nang manalo sa girls 11-12 400-meter freestyle at 100m freestyle events.

Ang lima pang gold medals ng Davao City ay nanggaling kina Dave Jone Andebor sa boys 11-12 400m free, Dara Clariza Evangelista sa girls 13-15 400m free, Rylle Coleen Regidor sa girls 13-15 200m back, Josiah Paul Lozano sa boys 11-12 100m free at John Angelo Zuniga sa boys 13-15 200m butterfly.

Dinuplika naman ni Glenn Adrian Arsula ang ginawa ni Shimizu nang banderahan ang boys 11-12 200m backtstroke at tulungan ang Zamboanga City sa boys 15-under 200m medley relay.

Ang iba pang namayani para sa Zamboanga City ay sina Jesse Kirei Tan sa girls 12-under 50m breaststroke, Gemries Nochefranca sa boys 13-15 50m breast, Shermalyn Jalmaani sa girls 13-15 50m breast at Vyanka Nykole Macaso sa girls 11-12 200m fly.

Nakuha nina Jalmaani, Macaso at Tan ang kanilang mga ikalawang ginto nang pamunuan ang girls 15-under 200m medley relay kasama si Marie-tonie Allysha Ledesma.

Tinulungan naman nina Arsula at Nochefranca ang koponan sa boys 15-under 200m medley relay kasama sina Idha Warfahly Bangahan at Jonel Ventura.

Sa lawn tennis, kumuha ng ginto si Alliah Elline Ragunton ng Cotabato Province sa girls singles nang talunin ang kakamping si Diadem Sasota, 8-2, habang si Noel Damian Jr. ng Zamboanga City ang nanaig sa boys singles galing sa kanyang 8-1 panalo laban kay top seed Francis Dominic Lanzado ng Tangub.

Nagdomina ang Zamboanga City sa  karatedo kung saan kumuha sila ng anim na gold medals sa New Government Center lobby sa pangunguna ng magkapatid na Raiani at Fatima Sabdani na nanalo sa kata novice boys at girls.

 

vuukle comment

200M

ALLIAH ELLINE RAGUNTON

ALLYSHA LEDESMA

BOYS

CITY

COTABATO PROVINCE

DARA CLARIZA EVANGELISTA

DAVAO CITY

GIRLS

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with