Alas mananatiling coach ng Letran?

MANILA, Philippines - Matapos ihayag na ang 88th NCAA season na ang kanyang huling taon sa Letran Knights, maaari pang magbago ng isip si Louie Alas.

Ilang sources sa Letran ang nagbun-yag na hinihikayat muli ng mga pa-ngunahing opisyales ng eskuwelahan ang 49-anyos na si Alas na magbalik sa kampo ng Knights.

“The Letran priests are now talking and convincing him to stay,” wika ng isang source kay Alas, iginiya ang Knights sa finals ng nakaraang 88th NCAA season kung saan natalo sila sa nagkampeong San Beda Red Lions.

Matapos ang kanilang kabiguan sa Game 3, inihayag ni Alas na iiwanan na niya ang Knights.

Hindi naman pinabulaanan o inamin ni Alas ang pahayag ng source bagama’t may inihahanda na siyang official statement.

Sinabi ni NCAA Management Committee chair Fr. Vic Calvo, OP, ng host Letran na wala pang nailuluklok na coach ng Knights para sa Phl Collegiate Champions League ngayong buwan.

“We have no basketball coach yet because we’re still waiting for a decision, which will come from the higher-ups,” sabi ni Calvo. “What we can do is to wait for their decision and see what happens.”

Si Alas ay naging coach ng Letran ng 12 seasons na ngayon kung saan nakapasok sila sa playoff ng 10-beses at nanalo ng titulo ng tatlong beses.

 

Show comments