Dapitan netters nagpasiklab sa Batang Pinoy

DAPITAN City  -- Pinakinang ng mga 12-anyos na sina Jason Saavedra at Jelza Maey Amores ang kampanya ng host city nang manalo sa lawn tennis singles competitions sa paghataw ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Mindanao leg.

Tinalo ni Saavedra si Steve Centennial Maghanoy ng Zamboanga Sibugay, 8-3, para makapasok sa second round ng boys singles.

Umabante naman si Amorez, kumuha ng bye sa first round, sa semifinals nang talunin si Kyla Kiezl Diaz ng Zamboanga City, 8-4, sa girls singles semifinals.

Nauna nang kumuha si Saavedra, isang Grade 7 student sa Dapitan City National High School, ng silver medal sa boys elementary doubles sa nakaraang 2012 Palarong Pambansa.

Natalo naman ang mga kakampi nina Saavedra at Amorez na sina Rolly Elopre, Jerry Bagabuyo at Arnelo Gallemit sa kani-kanilang mga laro sa first  round nang yumukod kina Paul Chyrel Dandado ng Siocon (8-2), Jeff Balatero ng Tangub City (8-2) at Junel Canal ng Agusan del Sur (8-0), ayon sa pagkakasunod.

Umabante din sa semis sa girls singles sina Alliah Elline Ragunton ng Cotabato na tumalo kay top seed Mary Rose Bael ng Dapitan City, 8-1, para makatapat niya si Rosuel Anne Binondo ng Davao del Norte na gumiba kay Jed Vallie Rayne Aquino ng Davao del Norte, 8-6.

 

Show comments