NEW YORK – Naglabas ang NBA ng flopping warnings kina JJ Barea ng Minnesota at Donald Sloan ng Cleveland nitong Lunes na siyang unang dalawang player na ginamitan ng bagong policy para mawala na ang ‘pag-aarte’ sa laro.
Sobra ang pagkakabagsak ni Sloan matapos tamaan ng pick ni Nazr Mohammed ng Chicago noong Biyernes.
‘’The extra on the end kind of made it bad,’’ sabi ni Sloan bago ang laban ng Cavs kontra sa Clippers sa Los Angeles. ‘’To be one of the first ones (warned) kind of (stinks).’’


Inihayag ng NBA ang bagong policy bago magsimula ang season para sawatain ang pag-aarte ng mga players para makakuha ng foul.
Nire-review ng mga league officials ang mga plays at aabisuhan ang mga player na lumalabag sa bagong alituntunin ng ‘flopping.’
‘’It’s just a judgment call,’’ sabi ni Sloan. ‘’I’m sure they’ll crack down on it.’’

Ang second offense ay may multang $5,000 kasunod ang $10,000 sa third, $15,000 sa fourth at $30,000 sa fifth. At kung magkakasala pa uli ay possible nang masuspindi.