^

PM Sports

Compton coach ng Ateneo?

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi malayong si Alex Compton ang maupo bilang head coach ng five-time UAAP champion na  Ateneo Blue Eagles sa papasok na UAAP season.

“Yes he is seriously being considered,” wika ni Ateneo board representative Ricky Palou.

Lumutang ang pangalan ni Compton dahil hindi pa inaanunsyo ang pangalan na papalit sa nagbitiw na si Norman Black matapos ibigay ang ikalimang sunod na kampeonato upang maging ikalawang koponan lamang sa liga na may ganitong nagawa.

Si Sandy Arespacochaga ang naunang napapabalitang papalit kay Black dahil matagal na siyang assistant ng lumisang coach at noong 2004 ay naupo na rin bilang mentor ng koponan.

Si Arespacochaga nga ang pinahawak sa Blue Eagles sa University Games sa Bacolod City pero minalas at hindi nakapasok sa finals nang matalo sa UE, 68-65, sa semifinals.

Ang 37-anyos na si Compton na natatanging dayuhan na nakapaglaro bilang isang Pinoy sa nawala nang mga liga na MBA at PBL at naglaro bilang import sa Welcoat noong 2007, ay katuwang ni Eric Altamirano sa pagpapatakbo ng National Basketball Training Center.

Bagama’t lumulutang pa lamang ang pangalan, marami naman na panatiko ng Eagles ang tila ayaw kay Compton na ipinanganak sa bansa pero ang mga magulang ay mula US.

Isa rin sa sinisipat ay si Jamike Jamarin na naupo rin bilang assistant ni Black.

ALEX COMPTON

ATENEO BLUE EAGLES

BACOLOD CITY

BLUE EAGLES

COMPTON

ERIC ALTAMIRANO

JAMIKE JAMARIN

NATIONAL BASKETBALL TRAINING CENTER

NORMAN BLACK

RICKY PALOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with