Empleyado biktima ng fake news
Dear Vanezza,
Ang kapatid ko ay isang nurse na nagkataon na namatay ang pasyente niya na may kasong COVID-19. Nalaman ko na lamang na namatay ang pasyente niya nang nasa opisina na ako. Agad akong pinauwi ng nurse namin nang sinabi ko ang sitwasyon. Nagkataon din na magkasama kami sa iisang opisina ng BF ko na magkaiba lang ng department, pero hindi pa naman kami nagkikita at never pa siyang pumunta sa bahay namin bago mangyari ang tungkol sa pasyente ng ate ko. Pati siya ay damay sa 14 days na quarantine kahit wala kaming physical na contact na nagkita o nag-usap nang harapan. Ang malas dahil hindi pa regular ang BF ko kaya wala siyang makukuhang suweldo sa loob ng 14 days. Ang masakit ay biktima lang ng fake news ang BF ko at pati ang ate ko na sinasabing siya na raw ang may COVID-19. Na-stress ako sa nangyayari. May habol pa po ba sa labor ang BF ko dahil wala siyang suweldo at biktima rin ng fake news. Ano po ang gagawin ko? – Jas
Dear Jas,
Puwedeng makipag-ugnay muna sa inyong HR department patungkol sa kaso ng inyong BF dahil unfair ang trato sa kanya na hindi muna sinigurado ang totoong sitwasyon. Maaaring nagsisiguro rin ang inyong opisina dahil mahirap na ang puwedeng mangyari. Kung walang nangyari sa maling trato sa iyong BF ay magtanong sa DOLE ng dapat na puwedeng gawin.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest