Pulot at saging sa paa
Kakaiba man pakinggan, napatunayan nang remedy para sa nagbabalat na paa o dry feet ang saging. Sagana kasi ito sa amino acids at bitamina na nakapagpapalambot sa inyong paa.
Mayroon dalawang paraan para gawin ang home remedy na ito: Una, durugin ang hinog na saging at ibabad sa paa ng 20 minuto. Pagkatapos ay banlawan ito sa maligamgam na tubig.
Pangalawa, maaari ring kainin ang saging at ang balat na lamang nito ang ilagay sa paa ng 30 minuto.
Maaari ring subukan ang honey soak. Ilagay lamang ang isang cup ng honey sa tatlong galon ng tubig at ibabad rito ang inyong pagod na mga paa. Gawin ito ng isang beses sa isang linggo.
Kung talagang maraming kalyo ang iyong paa, subukan ang honey scrub.
Paghalu-haluin lamang ang dalawang kutsara ng honey, dalawang kutsara ng coconut oil, at ¼ cup ng brown sugar. Ikuskos ito sa pagod na mga paa at ibabad ng hanggang 30 minuto.
- Latest