Bata naospital dahil sa ‘skull breaker challenge’ ng TikTok
Isang nanay mula Arizona ang nagsalita na para magbigay ng babala sa mga magulang at para na rin sa mga batang gumagamit ng application na TikTok matapos maospital ng kanyang anak dahil sa paggawa ng challenge na skull breaker.
Nagkaroon ito umano ng head injury.
Unang nai-report sa bansang Spain ang mapanganib na dulot ng skull breaker challenge kung saan involve ang tatlong tao. Nakahilera sila at saka tatalon ang nasa gitna. Habang nasa ere ito, titisurin nila ang dalawang paa para bumagsak na una ang bumbunan.
Marami na ang nadisgrasya sa challenge na ito na ikinaalarma na ng mga magulang.
Ibinahagi ni Valerie Hodson na ina ng nadisgrasyang bata sa kanyang Facebook account ang totoong nangyari sa kanyang anak.
“I really contemplated posting this, but I feel there needs to be awareness of this malicious cruel viral prank.
“On Wednesday my son was asked to do a jumping contest with his two ‘friends’, when he jumped up, the two boys kicked him, as hard as they could, so his legs flew out in front of him.
“He landed hard flat on his back and head, as he struggled to get up he lost consciousness, he fell forward landing on his face.
“The school monitor ran to his side, all the while the two boys were snickering and laughing as his stiff unconscious body lay on the asphalt.
“Fast forward at the hospital, he has a head injury, stitches in his face, severe cuts inside his mouth and two front teeth I have to keep on eye on. This apparently is a Tik Tok viral prank being filmed and gaining likes on social media.”
Nakarating na sa pamunuan ng TikTok ang pangyayaring ito at nangangako silang gagawin nila ang lahat para matutukan at mapag-aralan ang trend na ito. Pinag-uusapan na rin nila na tanggalin na ang skull breaker challenge at palitan na lang ito ng skull saver challenge, kung saan wala nang mababagok.
- Latest