Simpleng request ni nanay
Pagkatapos hugasan ang tambak na pinggan at kaldero ni misis ay nakalinya pa ang pagtuturo sa mga assignment ng mga anak at sigawan ng mga bata na ang last wish ng asawa ay tulungan siya ni mister.
Pero pag-upo ni misis ay ipapaabot pa sa kanya ni mister ang tubig o ipagtimpla siya ng kape. Ngunit panay lang ang pindot nito sa cell phone habang busy si misis sa kusina. Sisigaw pa uli ng utos ang lalaki ng pahingi ng makakain bago pa ilapag ni misis may idea uling ipapakuha si mister.
Bago pa rin mag-collapse sa sala si misis ay may paabot at utos pa uli si mister. Sabay ismid na ni misis sa asawa na nagtataka ang mister kung anong nangyari at nakasinghay ang kanyang maybahay. Siyempre pagod na si misis ay nati-trigger na ang “me” factor sa isipan ng babae na paano na nga ba siya utusan, alila, at katulong na sa bahay.
Napapaisip si misis kung resonable ba na ma-up set siya dahil sa pagod at stress. Minsan ay dahil din sa kanyang mister. Pero ang sakit na nararamdaman ng mga misis ay dahilan din sa gusto nilang pagsilbihan ang mga anak at si mister.
Konti lang naman ang hiling ng mga misis na tulungan siya minsan ni mister o maging kind ito sa kanya. Paano nga ba sa maliit na bagay mapapagsilbihan ang asawa? Pag-aralan kung paano at kailan ang schedule na mabibigyan ng atensyon o tulong ang asawa. Higit sa lahat ay kung paano tuturuan din ang mga anak na magpakita ng kindness kay nanay na ano ba naman ang “thank you o luv you” na marinig ni mother. Lalo na ang mister na mag-abot ng magagandang gestures sa masipag na misis at ina ng tahanan.
- Latest