Pabor ka ba sa secret marriage kung tutol ang magulang?
“Di ko masabi kasi boto talaga ang mama ko sa mga nagiging girlfriend ko eh. Pero sa tingin ko mali pa rin yung ilihim mo sa nanay mo ang iyong pagpapakasal. Sila nagluwal sayo at may karapatan silang malaman yun.” - Loonie, Caloocan
“Malamang yun din ang aking gagawin. Para wala nang masabi ang aking mga magulang, isa pa, nasa hustong gulang naman na ako. Sa tingin ko hindi naman na issue yun kung magsasabi man ako o hindi.” - Mel, Antipolo
“Puwedeng oo. Saka magkaiba kasi kapag babae saka lalaki. Usually kasi pag lalaki, lalo’t 31 years old na, dedma na ang parents sakaling magpakasal man sila. Siyempre ‘pag sa babae naman, malaking issue ang secret wedding. Pero hindi mo rin sila masisisi eh. Ginawa yun nina Sarah at Matteo para talagang maging isa na sila. Bilib ako sa tapang nila at sana maging masaya na lang si Mommy Divine.” - Jerry, Manila
“Hindi ko gagayahin yun bilang respeto na lang din sa aking mga magulang, siguro aantayin kong makuha ang blessing nila bago kami magpakasal ng aking girlfriend.” - Aman, Tarlac
“Oo. Ganun din ang gagawin ko kesa pahirapan pa namin ng GF ko ang mga sarili namin. Matatanggap din naman nila kami, hindi nga lang agad-agad.” - Kendrik, Bataan
- Latest