Sumailalim sa napakadelikadong operasyon si Dagmar Turner, 53, dahil sa nadiskubre sa kanyang brain tumour.
Tumubo ang nasabing tumor sa kanang frontal lobe ng kanyang utak, malapit sa area kung saan kino-control ang language at galaw ng kanyang kaliwang kamay.
Isang maling galaw lang ng mga doktor, maaaring maging sanhi na ito ng pagkawala ng kakayahan niyang tumugtog ng violin habambuhay.
Pero nakaisip ng matalinong solusyon ang mga neurosurgeon. Pinag-aralan nilang mabuti ang utak ni Turner, binuksan ang kanyang bungo at saka siya ginising mula sa pagkakatulog dahil sa anesthesia at pinatugtog ng violin.
Ginawa nila ito para matukoy kung anong parte ng kanyang utak ang dapat iwasan habang inaalis ang tumor.
Tinugtog ni Turner ang music nina Gustav Mahler at George Gershwin na Summertime.
“This was the first time I’ve had a patient play an instrument,” ani Prof. Keyoumars Ashkan, ang neurosurgeon na nakaisip ng kakaibang ideya.
“We managed to remove over 90 percent of the tumour, including all the areas suspicious of aggressive activity, while retaining full function in her left hand.”
Nakalabas si Turner sa ospital matapos ang tatlong araw na recovery, masaya raw siya na maganda ang kinalabasan ng kanyang operasyon at hindi nawala ang kanyang skills.