^

Para Malibang

Kumpleto ba ang araw mo kung walang ABS-CBN?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

“Family is forever nga ‘di ba! Kaya hindi kumpleto ang araw ng pamilya ko mula umaga hanggang hating gabi kapag nawala ang Kapamilya Network. Hindi ko ma-imagine kapag walang ABS-CBN.  Hindi ko na mapapanood Ang Umagang Kay Ganda, Showtime, lalo na si Kardo at ang ibang  palabas sa Dos na nagpapasaya sa sambahayang Pinoy.” – Ces, Bulacan

“Solid Siyete ako, pero kaagaw ko ang nanay ko sa remote kontrol. Nga­yong pa lang ay nalulungkot ang nanay ko  sa balitang puwedeng mawala ang Kapamilya Network sa ere. Sana huwag naman, kahit kami GMA – 7 supporters ako.” – Mader, Manila

“Kapag hindi na-renew ang prangkisa ng ABS CBN para mo namang sinakal ang kalayaan at demokrasya dahil ang Dos ay simbolo ng malayang pamamahayag na naglilingkod sa bayan.” – Badette, Mandaluyong

“Huwag over acting may isang buwan pa naman. Hayaan natin dumaan sa tamang proseso. Pareho namang willing ang Dos at mga senators na ayusin ang mga problema. Relax. Kaya nga may iWant TV na pinaghandaan na ng Dos in case na hindi sila payagan umere!” – Jess, Batangas

“Hala, 65 years tapos biglang mawawala? Sana i-feature rin ng Dos kung bakit nagagalit si Pres. Duterte sa Kapamilya Network, hindi ko na matandaan ang dahilan ng awayan blues. Ang alam ko lang nagalit si Duterte sa reporter ng Dos. Siyempre, hindi naman basta magagalit lang ang presidente na kilala ring may maprinsipyo at may paninindigan. Pero sana all ay magkasundo na, or else na-imagine ko na magra-rally ang tao sa labas ng Dos gaya last Friday night. Pati ang ibang kapamilya abroad na tiyak ay malulungkot!” – Babes, Palawan

ABS-CBN'

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with