‘World’s Dirtiest Car’ inabot ng pitong oras bago malinis!

Normal lang naman para sa may mga sasakyan ang magkaroon ng mga basura sa loob ng kanilang kotse, pero ang isang babaeng ito na hindi na nagpakilala ay nakakuha ng titulong ‘World’s Dirtiest Car’ dahil sa tindi ng duming naipon sa loob ng kanyang sasakyan.

Dinala raw ng isang Australian woman ang kanyang kotseng Mazda sa isang automotive sa Springwood, New South Wales at nagulat sila sa bumungad sa kanila.

Ang back seat daw ng kotse ay punung-puno ng mga dumi at basura tulad ng mga stick ng lollipop, balat ng bubble gum at mga durog-durog na biskwit.

Ipinost ito ng Proline Automotive sa kanilang Facebook page, at ayon sa kanila, madalas daw ay hindi naman sila nagpo-post ng after photos, pero nakatawag daw ito sa kanilang pansin.

“Usually we like to only share after photos but this one was too funky not to share.”

Para maibalik sa dating anyo ang nasabing kotse, inabot ang kanilang team ng pitong oras sa paglilinis lang nito.

“Unfortunately the remaining marks on the seats were caused by baby seats and are irreversible. We always recommend to people who have just purchased a new vehicle to place a towel under baby seats to avoid this type of damage.”

Samantala, maraming netizen ang nag-react sa nakita nila, at sinasabing ito raw ay ‘disgusting’. Ang isa nga ay nagsabing “I know we shouldn’t judge but I’m certainly glad I was never offered a lift in this car. It is beyond my comprehension how anyone could let it get that bad and then continue to drive it.” Habang ang isa naman ay “no offense but that really is disgusting… absolutely horrible how some people treat their car,’ with a third adding: ‘I’d hate to see their house if this is the car.”

Show comments