Oportunidad sa mga balakid
Kahit gaano kapulido ang pagpaplano ay hindi maaalis na mayroon pa ring aberya na nangyayari.
May mga bagay na hindi natutupad ayon sa plano. Bagkus ay lagi pa ring mayroong kapalpakan na maliit man o malaking balakid sa pagharap ng mga goals. Ang importante ay huwag masiraan ng loob sa halip ay gawing challenge ang mga obstacles.
Kahit gustuhin man na maging perfect ang lahat, may mga bagay minsan na hindi natin kontrol. Tanggapin ang iyong sarili at mga kaibigan na tao lamang na may limitasyon at pagkakamali minsan.
Kilala mo ang iyong sarili na ibinibigay ang best effort. Marami pang success na darating at mangyayari. Sadyang sa paglago at pagkatuto ay kasama ang pagkakamali. Ituring lamang ito na isang pagkakataon para sa ikatututo. Natural lamang na matakot at magkaroon ng pakiramdam na hindi komportable na sensyales naman ng growth ng indibidwal.
- Latest