^

Para Malibang

Multo ni John Lennon hindi humiwalay sa asawang si Yoko Ono

MRYOSO - Pang-masa

Gumimbal sa buong mundo noong 1980 ang biglaang pagkamatay ng music icon na si John Lennon na miyembro ng bandang The Beatles, matapos itong barilin ng isang obsessed fan.
Sa paglipas ng panahon, marami ang nagsasabing madalas daw nilang makita ang multo nito na para bang siya ay buhay pa rin.

Isang psychic diumano na si Christine Hamlett ang nagsabing nagbigay sa kanya ng mensahe si Lennon, pero hindi niya ini-reveal kung ano ito.

Samantala, sa lugar naman ng Dakota sa New York kung saan isinilang si Lennon at kung saan din siya binawian ng buhay, may isang lumang building doon na pinaniniwalaang haunted. Ayon mismo kay Lennon noong nabubuhay pa ito, nakakita na rin daw siya roon ng umiiyak na babae.

Taong 1983, tatlong taon matapos ang kanyang pagpanaw, nakita raw ng dalawang residente ng building na sina Joey Harrow at Amanda Moores ang multo ni Lennon na nakatayo sa lugar kung saan siya binaril. Malalim daw ang iniisip nito na para bang hindi pa rin tanggap ang nangyari sa kanya.

Hindi lamang ang mga ordinaryong tao ang naka-experience ng pagpapakita niya, dahil ang mismong kabiyak niya na si Yoko Ono ay pinagpakitaan din nito.
Nang minsang bumisita raw si Ono sa apartment kung saan sila dating nakatira, nakita niya raw itong nakaupo sa harap ng grand piano.
“Don’t be afraid I am still with you,” yan ang mga huling salitang iniwan ni Lennon para sa asawa.

YOKO ONO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with