Fairy tale ng anak
Ang love ay hindi fairy tale gaya ng mga kinalakihang pinanonood ng mga anak, pero kabaligtaran kaya tigilan na ang maghanap ng perfect na partner. Maaaring wala ring indibidwal na papasa sa iyong wish list na mga qualifications.
Tiyak na hirap din ang iyong anak na makahanap ng kanyang soul mate bilang paghahanap ng missing part sa kanyang buhay.
Bigyan ng tips ang mga teenagers at mga nasa tamang edad ng mga anak sa paghahanap nila ng mga mapupusuan. Paano nga ba magkaroon ng foundation upang ma-attract ang love of life na inaasam.
Siyempre kailangang maging authentic. Sa paghahanap ng tunay na love, kailangang ipakita ang totoong pagkatao. Kung naghahanap ng someone na mamahalin ka sa mga moment ng iyong imperfection ay dapat willing din na gawin ito sa ibang tao. Magpakatotoo sa sarili at maging handa rin sa imperfection ng iba.
Tanungin ang anak, ano ba ang nagpapasaya sa kanya at kung ano ang gusto nito sa buhay. Madaling gawin ang mga bagay para lang i-please ang ibang tao. Ginagawa kung ano ang uso, trending, at popular na malayo sa normal na kinagawian.
Pero kung ibinabaling ang sarili sa passion o personality para sa iba, hindi ka nagiging totoo sa iyong sarili.
Ang tao ay malakas ang attraction sa mga indibidwal na natural lang sa kanilang paniniwala at ginagawa sa sarili bilang tatak ng kanilang aunthenticity.
Hamunin ang anak na kilalanin at mahalin ang kanilang sarili upang matutunan na magsalita at kumilos na totoo sa kanilang nararamdaman.
Kasunod ang pagbibigay best effort sa kanilang buhay. Upang hindi magkamali ang anak sa paghahanap ng kanilang love life.
- Latest