^

Para Malibang

Lalaki muntik nang mawalan ng pandinig dahil sa cotton buds!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Sino ba naman ang hindi nare-relax sa tuwing kakalikutin natin ang ating mga tenga para linisan? Ganunpaman, palagi pa rin tayong pinapaalalahanan na mag-ingat pagdating sa pagsundot sa mga ito, dahil ito ay masyadong sensitibo.

Isang lalaki ang nagpunta umano kay Neel Raithatha na tinatawag na wax whisperer, isang audiologist, upang humingi ng saklolo, dahil ang cotton buds daw na ginamit ng pasyente ay nagbara na sa loob ng tenga nito. Makati raw kasi ang loob nito, kaya naman naisipan niyang tusuk-tusikin ang tenga, pero ‘di niya namalayan na naputol na pala ang dulo ng cotton buds dahilan para ito ay maiwanan sa dulo.

“The client attended with a cotton bud q-tip stuck against his eardrum. He suffers from Otitis Externa [inflammation of the external ear canal] and was using the cotton bud q-tip in an attempt to relieve the itchiness and irritation he was experiencing,” paliwanag ni Raithatha.

Malala na raw ang impeksyon nito kaya hindi niya puwedeng gamitin ang paraan ng pagsipsip, sa halip ay gumamit siya ng forceps o panipit para sungkitin ang cotton buds.

Muntik na raw mawalan ng pandinig ang lalaki, pero nang maialis na cotton buds ay agad naman daw itong nanumbalik.

Mahigpit naman na nagpaalala ang mga eksperto: “Do not use your fingers or any objects like cotton buds to remove earwax. This will push it in and make it worse.”

Kung maaari lamang daw ay gumamit ng langis sa pag­lilinis ng tenga para lumambot ang mga tutuli. Dalawang beses lamang daw sa isang linggo ito ginagawa.

Kusa naman daw na nalalaglag ang mga tutuli kapag sobrang tigas na, kung hindi naman, kailangan niyo na sigurong magpatingin sa doktor.

WAX WHISPERER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with