Weakness na Bulaklak ni Misis

Ang roses ay patuloy na demand na hinahanap kapag Valentine’s Day na special na regalo sa minamahal.

Minsan may isang babae na pangarap na mabigyan siya ng bulaklak. Finally ay may natisod na lalaking nag-abot sa kanya ng bulaklak with matching love letter hanggang maging magdyowa ang dalawa. Tuwing nagkakatampuhan ay binibigyan siya ng bulaklak ng lalaki na bumibigay agad ang nobya.

Nagpakasal ang dalawa na naging maganda ang pagsasama sa una. Pero sa katagalan ay nagsimula nang magloko si mister na umabot pa na binubugbog si misis. Pagkatapos ng bugbugan blues ay dadalhan lang ng isang dosenang roses si misis na napapalambot din ang asawa. Tuloy ang ganitong cycle na inaabutan lang ng roses ni mister kapag sila ay may away dahil alam niyang weakness ng kanyang misis ang bulaklak. Hanggang nagdilim ang paningin ni mister at binugbog sarado si misis hanggang aksidenteng mapatay ang asawang babae.

Sa lamay ni misis ay punung-puno ng bulaklak ang paligid ng kabaong ni misis. Tinupad naman ni mister ang pangako niya kay misis na pauulan niya ng bulaklak si misis habang nabubuhay hanggang pag kamatay nito.

Kaya kahit sa huling hantungan ni misis ay tinambakan din ni mister ang himlayan ng asawang babae na ang hilig ay ang mga bulaklak.

Show comments