330 million year old na ulo ng higanteng pating natagpuan sa isang kuweba!
Manghang-mangha ang mga Paleontologist na nakadiskubre sa isang higanteng ulo ng pating na tinatayang may tanda nang 330 million years old sa loob ng Kentucky cave.
Nakita raw ito noong nakaraang taon sa pamamagitan ng mga cave specialist na sina Rick Olson at Rick Toomey, matapos nila itong madaanan habang ine-explore ang Mammoth Cave system sa Mammoth Cave National Park.
Nahihirapan daw ang mga researcher na alamin kung anong uri ng hayop ito kaya naman humingi sila ng tulong sa isa pang paleontologist na si John-Paul Hodnett. Doon nila napag-alaman na isa pala itong pating.
“One set of photos showed a number of shark teeth associated with large sections of fossilised cartilage, suggesting there might be a shark skeleton preserved in the cave,” paliwanag nito.
Ang mga naiwang fossil na nakadikit sa dingding ng kuweba ay ang lower jaw ng nasabing pating, bungo at marami-raming ngipin. Pinaniniwalaan nilang ito raw ay isang great white shark, na kayang lumaki nang hanggang 11 feet to 21 feet.
Mula raw ito sa species ng ‘Saivodus striatus’ na nagmula pa sa Late Mississippian period na nabuhay noong 330 hanggang 340 million years na ang nakararaan.
Samantala, mahigit 100 individual specimens na ang kanilang nadidiskubre sa Kentucky cave. Natagpuan na rin nila ang mga palikpik ng pating sa iba pang parte ng kuweba.
Naniniwala si Hodnett na bungad pa lang ang kanilang nakikita at maaaring napakarami pang nakabaon sa ilalim at mga gilid nito.
- Latest