Naniniwala ka ba sa suwerte o malas?

“Bilang Christian ay hindi na ako naniniwala sa suwerte o malas. Kundi lahat ng nangyayari ay nakatakda maging good or bad.” - Merlyn, Baguio

“Ewan ko lang talaga kapag hindi ka ba naman naniwala sa malas. Kapag puro talaga masasaklap ang nangyayari sa iyo ‘di ba!” - Melai, Batangas

“Depende, talaga naman suwerte-suwerte lang ang buhay. Puwede rin hindi mo pa time, kaya kailangang positibo na gaganda rin ang buhay.” - Badette, Rizal

“Hindi puwedeng iasa lang ang lahat ng bagay sa suwerte. Bagkus kaila­ngang kumilos na magsipag at magbanat ng buto. Malasin man ang mga hindi inaasahan ay marami ka pa ring alas na puwedeng hugutin.” - Lorz, Makati

“Ang buhay ay nakasalalay kung ano ang itinatamin mo. Huwag agad sumuko o maniwala sa suwerte o malas. Dahil kahit anong mangyari ay magbubunga rin ang pagtitiis ng kabutihan at sipag sa lahat ng bagay na pinaghirapan mo sa awa ng Diyos.”

Show comments