Abosadong Boss

Dear Vanezza,

Ilang taon akong kinakaltasan ng SSS sa trabaho ko. Ang problema nung mag-apply ako ng loan ay hindi raw naghuhulog ang kumpanya namin. Gusto kong isumbong ang opisina namin ang problema ay takot akong pag-initan ng boss ko.  Ano po ba ang dapat kong gawin?  - Sammy

Dear Sammy,

Maraming empleyado ang may ganitong reklamo. Kailangang  mag-report sa SSS tungkol sa inyong opisina. Huwag mag-alala dahil puwedeng hindi malaman ng abosadomg boss mo dahil mismong ahensiya ang magpa-follow-up sa kaso ng inyong kompanya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments