Paano kokontrahin ang kamalasan ng toilet?

Last Part 

Kung ang toilet ay nasa NORTHWEST, mahihirapan sa paghahanapbuhay ang breadwinner ng pamilya. Huwag maglalagay ng kandila as decoration sa lugar na ito dahil ang masamang epekto ay biglang kamatayan ng family breadwinner. Maglagay ng maliwanag na bombilya at maglagay ng dekorasyong kulay blue para kontrahin ang masamang vibration.

Kung  ang toilet ay nasa SOUTH, hindi magiging maganda ang inyong relasyon sa ibang tao. Magiging favorite target kayo ng mga intriga at tsismis. Mag-deco­rate ng something black or blue sa toilet at hindi dapat napakaliwanag ng bombilyang gagamitin. Ipinapayong maglagay ng water fountain dito.

* At tandaan ninyo: Maglalagay lang ng lucky plants sa loob ng toilet kung ito ay nasa Northeast or Southwest.

Show comments