Masusuwerteng OFW
Maraming tao na nagtatrabaho sa ibang bansa na iniisip ang kanilang tagumpay ay nakasalalay sa timing o suwerte. Ang totoo, ang indibidwal na nakuha sa kanilang trabaho ay ayon sa pagpili ng mga kompanya base sa mga credentials at records ng isang tao.
Nakakapasa ang mga Pinoy ayon sa kanilang skills, abilidad, experience, at kakahayan na magagamit ng mga kompanya mag-hire sa overseas Filipino workers.
Lagi naman qualified ang Pinoy sa mga requirements na demand ng mga kompanya sa ibang bansa.
Ang totoo ay talagang in demand ang mga OFW dahil sa husay ng kani-kanilang skills kung kaya may kalakihan ang natatanggap na suweldo. Ang payo lamang sa OFW na huwag sayangin ang mga pinaghirapang pera. Dahil kung tutuusin ay kayang palaguin ng mga OFW ang kanilang sinusuweldo, upang pag-uwi for good sa ‘Pinas ay may naipong pera para sa pamilya. Mataas ang pagtingin at paggalang sa mga OFW ng ating mga kababayan ay pinaghirapan din ang kanilang skills bago marating ang magandang trabaho.
Matutunan din sana ng OFW na maging masinop sa kanilang sinusweldo.
- Latest