Sa likod ng mga naggagandahang buildings at lugar sa siyudad ng mga anghel, o Los Angeles City sa California, meron pala itong itinatagong tunnel sa ilalim.
Dito matatagpuan dati ang mga bar o inuman noong panahon na ipinagbabawal ang mga ito. Isa sa mga sikat na bar noon na talagang namayagpag ng ilang dekada ay ang King Eddy Saloon.
Simula noong 1900’s, hindi nagkaroon ng issue ang pagpapatakbo ni King Eddy sa bar na ito. Maaari kang makapunta rito sa pamamagitan ng pagdaan sa isang piano store na pang-front lang naman ng nasabing bar.
Bukod sa pagiging venue para sa nightlife, ginagamit rin ang tunnel para sa paglipat ng mga preso, meeting place ng mga nagpapalitan ng malalaking pera at tapunan ng mga katawang sina-salvage.
Ngayon, ang nasabing tunnel ay sarado na at bawal nang gamitin. Sarado na rin ito sa publiko, pero syempre, hindi pa rin mapipigilan ang ilang pasaway na huwag magpunta rito. Ganunpaman, may bahagi namang puwede pa ring bisitahin kung saan pwede kang kumuha ng maraming picture.