Best Technique para sa Anak
Kailangan maturuan ang anak na ma-recognize ang kanyang mga accomplishments. Madalas naririnig sa mga preschool teachers ang pagsasabi ng “good job!” sa estudyante kapag tama ang sagot o nagawa nito.
Ganundin ang magulang na dapat ay maging specific hindi lang basta pagbibigay ng praise. Kung naglinis ang anak ng kuwarto na banggitin na “wow ang sipag!” at kung na-appreciate ang tulong ng teenager o bata.
Ang pagbibigay ng simpleng praise sa anak ay isa sa best techniques na ginagamit sa mga schools ng mga teachers na subok na para ma-encourage ang student na maramdaman na napapansin ang kanilang ginagawa.
Higit sa lahat ay natutulungan na ma-build up ang kanyang confidence upang makilala at ipagdiwang din ang tagumpay ng anak. Walang masama na i-correct ang anak, pero ang encouragement ay mas epektibo sa bata.
- Latest