Ex-gf napapraning kay classmate

Dear Vanezza,

Aminado akong natukso ako sa ex-GF ko nung reunion ng mga classmates namin. Pero isang beses lang yun, hindi ko puwedeng ipagpalit ang misis ko at maging ang masayang buhay naming pamilya ko. Hiwalay sa asawa ang ex-gf ko na willing daw siya maghintay kung kailangan ko siya puwedeng puntahan muli. Natatakot ako sa misis ko na ubod ng bait, pero nagkamali ako. Ang problema ay obsesss sa akin ang ex-Gf ko na napapra­ning sa akin. Ano ba ang gagawin ko? – Bernz

Dear Bernz,

Kung totoong nagsisisi ka ay huwag nang makipag-usap ang sa ex-GF. Prangkahin siya na hindi mo na uulitin ang pagtataksil mo sa iyong misis. Upang hindi na rin umasa ang ex-GF mo sa iyo. Para maging malinaw sa kanya na nagsisisi ka sa iyong ginawa. Para hindi na muling magkamali at ‘di masira ang iyong masayang pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments