^

Para Malibang

Investment ng OFW

BUHAY OFW - Pang-masa

Ang mentalidad ng mga Pinoy na kapag sinabing overseas Filipino workers ay malaki agad ang sahod na totoo naman sa karamihan. Ang problema lamang kahit mataas ang sinasahod ng OFW ay bakit walang naiipon pagbalik sa bansa.

Ngayong Bagong Taon ay dapat maitama ang pag-iisip ng OFW at maging ang mga pamilya nitong naiiwan sa bansa. Hindi lahat ng nagtatrabaho sa ibang bansa ay malalaki ang suweldo.

May ilang OFW na hindi nasusunod ang kanilang kontrang pinirmahan bago umalis ng ‘Pinas. Pagdating sa destinasyong bansa ay iba na ang trabaho at maging ang suweldo. Nahihirapan din ang OFW sa kanilang trabaho na ang iba ay malas na walang sapat na pahinga o matutulugan. Hindi pa makabayad sa masikip na lugar na nirerentahan. Sa malas ay nababaon pa sa utang.

Ang pagtratrabaho sa ibang bansa ng OFW ay parang sugal na maraming hirap na pinagdaraanan. Saka lamang nagsisisi sa huli na kapag pauwi na sa ‘Pinas na wala man lang naipon o naipundar na negosyo para sa pamilya.

Ngayong Bagong Taon ay gawing makabuluhan ang kahit sentimo ng pera na malaki o maliit man ang suweldo kung saan ito gagastusin. Upang hindi muli masayang ang taon at panahon na kumikita sa abroad para sa pamilya.

INVESTMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with