Manliligaw na nag-aalok ng sponsor
Dear Vanezza,
Mahirap lang kami ng pamilya ko na suwerte na sponsor lang ang pag-aaral ko sa college ng isang church member namin. Kaya ayaw kong bumabagsak sa kahit anong test sa school namin. May mayaman akong classmate na nanliligaw sa akin. Sagot daw niya ang pag-aaral ko dahil may sarili na siyang kompanya mula sa pamilya niya. Worry lang ako, paano kung mag-break kami? Ano ba ang gagawin ko? - Klaudia
Dear Klaudia,
Huwag ma-distract sa alok ng iyong manliligaw. Bagkus ay magpokus sa iyong pag-aaral. Mahirap din ang alok niya na hindi mo pa nobyo. Hindi naman siya ang may-ari ng kompanya kundi ang magulang niya. Sabihin mo siyang maghintay hanggang makatapos ka ng pag-aaral at kung totoong mahal ka niya ay irerespeto niya ang desisyon mo. Hindi lamang para sa future mo, kundi puwedeng sa future niyong dalawa.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest