Natatakot mahusgahan ng iba

Dear Vanezza,

May reunion kami ng mga classmates ko sa high school. Gusto kong pumunta, pero nahihiya ako dahil huminto ako sa pag-aaral na hindi ko nakayanan ang pressure at demand ng engineering course ko. Natatakot akong husgahan ng mga classmates ko. Pero miss ko na sila at gustong makita. Susunduin daw nila ako. Ano ba ang gagawin ko? - Jhong

Dear Jhong,

Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa ibang tao, kundi enjoy lang ang reunion ninyo. Madalas ay puwedeng may matutunan sa iba lalo na sa mga classmates mo na maaaring may pareho ring pinagdadaanan na katulad mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments