Sa modernong panahon ngayon kung saan may mas matataas nang teknolohiya, mas importante na sa mga tao ang magagandang background sa tuwing kukuha ng litrato. Minsan nga ay hindi na sila makapag-enjoy dahil sa kakapindot ng kanilang cellphone para lang sa ‘instagrammable’ na picture.
Kung kayo ay may planong mag-travel sa lugar ng Paris at sawa na sa pagpapa-picture sa Eiffel tower, maaari niyong bisitahin ang Rue Crémieux Street na kung saan ay talaga namang mag-e-enjoy kayo.
Ang Rue Crémieux ay isang residential street na makikita sa pagitan ng Rue de Lyon at Rue de Bercy street. Kakaiba siya sa lahat dahil sa disenyo nito at pagiging makulay. Para ka raw nasa fantasy land.
Kung dati-rati ay iniisnab lang ito ng ilan, ngayon daw ay sikat na ito sa mga turista. Bigla raw itong dinagsa ng mga fashionista at magagaling na photographer.
Puwedeng-puwede niyo itong bisitahin kung kailan niyo man gustuhin, ganunpaman, alalahanin pa rin natin na isa itong residential street kaya matuto pa rin tayong rumespeto sa mga nakatira rito para naman hindi nila maramdaman na nai-invade na ang kanilang privacy.
Nagpetisyon na raw ang mga residente rito na dapat isara ang gate nito tuwing gabi at weekends pero wala pang sagot ang nakatataas.