Bad habits ng kapitbahay na dapat iwasan
Akalain ba na ang tsismis ay form na ng komunikasyon sa human society ngayon. Ito ay isang paraan upang maging feeling close sa isa’t isa dahil nagkakaroon ng magandang pakiramdam na nakikita ang kamalian ng iba. Walang tao na gustong mag-isa o maging malungkot na ang tendency ay pag-usapan ang buhay ng may buhay.
Tigilan na ang ganitong sistema na nakikipagtsismisan. Bagkus ay magkaroon ng integridad na sasabihin lamang ang nararapat. Iwasan na gumamit ng salita na laban sa ibang tao. Gumamit lamang nang pananalita na may tamang direksyon patungkol sa love at katotohanan.
Ang salita ay isang powerful na paraan na nakakaapekto sa mga indibidwal na nakakarinig. Ang tsismis ay naging bahagi na ng buhay mula pagkabata. Kadalasan habang lumalaki ay nagugustuhan na ang maling pakikipagtsismisan bilang pagbibigay ng opinyon laban sa iba.
Ang tsismis ay may negatibong impact sa performance gaya sa trabaho, school, at komunidad. Pigilan ang sarili sa halip ay ibahin ang topic o umiwas sa grupo, kaibigan, at tsismosang kapitbahay na may ganitong bad habits.
- Latest