Epekto ng Facebook sa OFW
Akalain ba ang ‘Pinas ay pang-anim na bansa na may pinakamaraming Facebook users sa buong mundo na halos 68 millions lang naman ang bilang. Suwerte ang mga overseas Filipino workers na madali nang makausap ang kanilang pamilya na naiwan sa bansa dahil sa FB.
Sa malas ang Facebook din ang ideal na medium na na-develop ang positive at negative habits. Sa negatibong bagay nandiyan ang nauubos ang oras ng mga Pinoy na konting kendeng ay click agad para i-post ang kanilang pictures. Ang FB din ang medium na talamak na pag-post ng mga hugot sa kanilang buhay. Pati ang sama ng kanilang loob sa mister, misis, kaibigan, kamag-anak, at kung anu-ano pa na hindi naman kailangang malaman ng buong mundo.
Kaya pati ang mga OFW ay apektado sa mga negatibong posting ng kanilang mahal sa buhay. Nagbibigay pag-aalala sa kanilang sitwasyon na malayo sa kanilang pamilya. Payo ng mga experts na huwag nang idaan sa posting sa FB ang problema ng pamilya. Kundi gumawa na lang ng group chat ng iyong pamilya saka na lamang dun mag-usap ng pribado. Upang hindi na nakadaragdag pa sa iniisip ng OFW na hindi alam ng pamilya ang epekto ng pangit na bangayan ng pamilya sa social media.
- Latest