Ang ginataang kangkong ay simpleng Pinoy dish na madali at murang gawin. Malinamnam ito at suwak na suwak na i-partner sa mainit na kanin.
Sa dish na ito, kailangan lang ng mga sumusunod na sangkap:
2 cups ng gata
1/2 cup water
1 tablespoon
ng bawang
2 tablespoons ng luya
1 malaking sibuyas
1 teaspoon rock salt
2 siling haba
1 siling labuyo
2 tali ng kangkong, nahugasan na at napitas na
¼ na kilo ng hipon
Paraan ng pagluluto
Sa isang malaking lutuan, igisa ang bawang, sibuyas at luya. Sunod na ilagay ang gata at pakuluan sa loob ng limang minuto.
Ilagay ang hipon hanggang sa magbago ang kulay nito. Sunod na ilagay ang siling haba at labuyo.
Ilagay na ang kangkong at pakuluan. Lagyan ng asin at paminta depende sa inyong panlasa.
Pagsaluhan kasama ang mainit na kanin. Burp!