Kung meron lamang British tabloid noong 18th century, malamang ay palaging nasa front page ang istorya ng pamilya ni Feodor Vassilyev. Bakit? Meron lang naman silang 69 na anak ng kanyang asawa na hindi na nalaman ang pangalan.
Ayon sa report ng isang lokal na monasteryo sa gobyerno ng Moscow, Russia, nanganak ang asawa ni Vassilyev ng 16 pares ng kambal, pitong set ng triplets at apat na set ng quadruplets sa 27 na magkakahiwalay na labor sa pagitan ng taong 1725 hanggang 1765.
Ang total na bilang nga ng kanilang mga anak ay 69.
Walang-wala ang mga nababalita ngayong may 16 o 24 na anak.
Samantala, ang malaking tanong ng marami, totoo nga kayang kayang manganak ng isang babae ng ganito karami?
Napag-alaman namin na kaya pa palang maglabas ng isang babae ng napakaraming anak higit pa sa inaakala ng lahat.
Ang asawa ni Vassilyev ay pinaniniwalaang may genetic problem, posible raw na nagha-hyper-ovulate ito, isang kondisyon kung saan naglalabas ng maraming itlog sa isang cycle lamang. Dahilan upang maglabas siya ng maraming set ng kambal.
Nabuhay ang nasabing babae hanggang sa edad na 76.